Ang pangalan po ng pig ko ay pipay binenta sya sa akin ng kapitbahay namin dahil nagkasakit ang mga anak nya, binenta nya sakin ung dalawang biik sa presyong 4000 yung time na to mahal na to kasi ang bentahan lang ng biik noon ay 1500 isa, na dapat ay 3000 lang yong 2biik pero dahil kailangan nya ang pera sabi ko ok bibilhin ko sya sa presyong 4k pero dapat pag binenta nyo sya nasa 4500 or 5k para tumubo ako. isa pang dahilan ko narin kaya ko sya binili ay para makatulong at in the same time ma save ko ang pera ko. 2006 pa yon.. sa hindi inaasahang dahilan bininta na nila agad ang kasama ni pipay na dapat paaabutin muna ng 4months bago ibenta, at ang ginawa nila hindi na nila pinapakain ng sapat si pipay hanggang pumayat sya at madalas madumi ang kulungan, ng dumating ang pang apat na buwan nya gusto syang bilihin ng mga buyer sa presyong 3500 eh ang sabi ko kila pabling sa nag aalaga kay pipay na 4k ang puhunan ko jan na kung ibebenta nyo ng 3500 talo pa ko ng 500 at naghintay pa ako ng 4months sa madaling salita niloko nila ako kaya sabi ko kahit balik puhunan lang ok na ako.hangangtumagal ng 6months na payat parin si pipay ang ginawa ni ate monet na kapatid ng asawa ni pabling sya na lang daw ang mag alaga at gagawin naming inahin.
Dumating ung time na naglalandi na si pipay, sa pagpapakasta hati kami pati sa pagbulog at mga gamot at sa anak ni pipay. sabi ni mama nasa 2beses si pipay nanganak sa pangangalaga ni ate monet sa palagay ko nasa 3 pangatlo ung pinaghatian ng kapatid ko ang biik ko ng nasa mission ako. 2buwan palang ako sa mission ko ng umuwi ako jun 11 2008. July ng gusto na ibenta ni ate monet si pipay dahil ang payat nito sobra at ang balak nya ibenta ito sa mababang presyo 4k lang ung nalaman ko to sabi ko ako nalang ang bibili sa kanya at dahil hati kami kay pipay binili ko sya ng 2k. halos hindi makalakad si pipay sa sobrang kapayatan na ngayon lang ako nakakita ng ganung kapayat na baboy.
Tinulak lang namin sya papunta sa bahay namin ng tanghaling tapat at talagang nahirapan kami dahil pagod sya agad maglakad at ang ginawa nya ay umupo nalang sa samento e nasa gitna kami ng arawan..hanggang sa sobrang tagal nahatid din namin si pipay sa kulungan ko na dating pag aari ng mama ko. Sa poder ko itong June 19 2011 pang pito na nyang anak 8 ang anak nya at buhay lahat:)
Itong June 21, 11 nagkasakit sya dahil narin sa sama ng panahon 12 ng gabi hangagang sa mag oras na to may sakit sya at dahil sa matanda na sya at sa sakit nya napapabayaan na nya ang mga anak nya kaya isa isa rin itong namamatay :'( na sa panahong ito 4 na ang namatay. Dahil 3days na syang hindi kumakain at tumatayo, masakit man sakin kailangan ko na syang ibenta:'( bukas june24 8am may pupuntang buyer:'( para bilihin sya:'( :'(
Sa totoo lang ng dumating si pipay mahirap lang akong tao na ang pagkain nya ay kaning baboy at gulay na hinihingi ko sa nga bahay bahay at tindahan ng mga karinderya. Binubuhat ko lang to kahit malayo pabalik balik ako ok lang may makain lang sya at ung mga anak nya:') dahil sa kanya at sa tulong namin ni grace napaayos ko ang bahay ni mama at papa at yong babuyan ay lalong lumaki at dumami ang kulungan pati ang bubong nila napaayos ko din:) bukod pa rito nakapag patayo ako ng computershop sa lote ng GF ko na si grace na ang pagpapatayo palang ng house ng shop ay umabot ng 36000 iba pa itong 7 computer na apat na ngayon ang platscreen at isang walang monitor...
Sobra talaga ang utang na loob ko sa baboy na to na dahil sa kanya nabuksan ang isip ko na ang isang katulad ko:'( ay pwedi palang magkaroon ng kanitong kagandang blessing:'( marahil sa tingin ko hindi lang ako ang dapat magpasalamat sa baboy na to, na dahil sa kanya ang aking magiging anak o apo sa hinaharap ay hindi na dadanasin ang hirap na dinanas ko:0 "MARAMING SALAMAT" PIPAY:)
Ang plano ko bilang pasasalamat sa ginawa nya saking buhay...sa pera na mabebentahan ko sa kaya ibibili ko ng isang computer na ipapangalan ko sa name nya na "pipay" at hihilingin ko sa mga anak ko na ingatan ang computer na to dahil ito ang nag ahon samin sa kahirapan at ito ang BESTFRIEND "ko" na kailanman laging handa akong tulungan...Dahil ng nasa pangangalaga ko sya hindi sya pumalya sa panganganak:'( :'( Kaya sobra talaga akong thankful sayo pipay na masakit sakin na ibenta ka pero mas mababalewa ang sakripisyo mo kung hindi kita ibebenta na s bandang huli:'( binigyan mo parin ako ng malulusog na biik:') :'''') ILOVE YOU PIPAY!!!!
JUNE 23 2011
11:58PM
binili ko sya ng biik palang may kasama sya na isa, pinaalaga ko sila sa kapitbahay namin para pagdating ng 4months mabenta sila at kumita ako pero ang talagang layunin ko ay hindi ko magastos ang pera ko.2006 pa yon..