Now lang ako ulit nakapag sulat tungkol kay pipay!..tulad ng inaasahan June 25,2011 nabenta si Pipay kahit na malakas ang ulan at may bagyo.. 10am nakuha na sya ni selso sa presyong 4500 dahil hirap na to tumayo, binarat nila si pipay:(
Gabi palang sinabi ko na pagmay pagbabago kay pipay hindi ko sya ibebenta!..pero dahil nandito ako sa shop sabi ni kuya mas makakabuti na ibenta ko na si pipay at wala paring pagbabago sa kanya..Kaya kinontak ko na ung mga buyer,,yong unang dumating si nelson kaso ang gusto nya 4k lang o palit biik nalang kong gusto daw namin, kontakin nalang daw sya kung papayag kami at sakulungan sya mismo kakatawin para hindi raw makita ng mga mamimili na binili daw nila ang pig na may sakit na.. Dahil don hindi ako pumayag dahil ayaw ko makita na dun kakatawin si pipay sa bahay namin o sa kulungan nya..
Ang sunod na dumating ay si selso ng makita nya si pipay binalikan nya agad pinilit daw nila itinayo si pipay..kaya iyak ng iyak ang baboy pero pagtayo nito bumagsak din agad at ang lakas ng pagkabagsak..puro dahil gusto nila makuha si pipay pinilit nila ulit ito itinayo at inalalayan sya makalakad..hindi na ibinidyo ni shela ang mga sununod na nangyari dahil maiiyak lang daw ako..pero kinuwento nya sakin..ng nasakay na sya sa kulungan itinataas nya ang ulo nya na para bang hinahanap ako:'( :'( ay ang mga mata nya malungkot na nakakaiyak tignan:'( tapos ng umandar na ung motor kung san sya isinakay pinipilit nya tumayo dahil ayaw nya pa umalis:'( :'( pero hindi sya makatayo dahil maysakit sya at mahina ang katawan nya..Hindi ko kaya na makita syang ganun kaya mabuti narin na hindi ko sya nakita ng mga oras na yon:'( pero ng kinukwento ni shiela sakin ung reaction ni pipay,,NA IYAK talaga ako:'( :'( kasi alam ko na hinahanap nya ako at alam nya na ako lang ang makakatulong sa kanya ng mga oras na yon:'(
Mahal na mahal ko talaga ang alaga ko na yon na sya lang ang alaga kong baboy na tumagal sakin ng 5yrs onwards. Pagdating ko don sa haus!..nilinisan ko agad ang kulungan nya ng may kasamang klorine, at kahit ilang araw na ang nakakaraan nababanggit ko parin ang pangalan nya kahit ang mga kapatid ko!..pagkawala nya isa- isa na din nag simatayan ang mga biig hanggang isa nalang ang natira!.. isang batik na biik sabi ko pag nabuhay ito sya ang ipapalit ko kay pipay kaya naman ang ipinangalan ko sa kanya ay "pipes".
Sa araw na ito rin ay maron kaming Social night at kami ni Grace ang M.C nagpalaro kami at sumayaw..kahapon ung pera ni pipay ay ipinasok ko sa BPI para hindi ko magastos at masigurado ko na pag ginamit ko ang pera na galing kay pipay ay magandang computer ang magagawa ko..mahal kita pipes at minsan naamoy kita dito sa shop ang sabi ni grace dinalaw mo daw ako:) "Maraming salamat" LOve you.
July 1 2011
11:55pm
No comments:
Post a Comment